Skip to content

kantang pang-lasing (songs for drunks) [Tagalog]

April 20, 2013

parang hindi ako makapag-unwind verbally sa wikang tagalog. parang nagiging folk-poetic ang aking mga salita. pero susubukan ko.
mga kantang iginigitara. mga pasyon ng buhay natin. tila malayang taludturang nilapatan ng tunog na parang nangungulila sa pag-angkin ng salita sa tulang nilalapatan sana niya. parang di-nasukliang pag-ibig.

pero maganda na rin dahil weder-weder lang naman lahat ng aspeto ng buhay dito sa pilipinas – at sa diwa ng mga pilipinong katulad ko. parang yung mga salmo sa simbahan na pilit nilalapatan ng tunog na ala-gregorian chant, nga lang, di ginagamit sa pagsamba. marahil sa pagpahiwatig ng mga emosyon o saloobin sa trabaho. yung tipong “ang boss ko/ pinagalitan ako/ hindi raw tama/ ang aking itinype…” at iba pang katulad na mga berso.

nasumpungan ko na naman itong klase ng musikang ito. “samson went back to bed/ he ate a slice of wonder bread/ and then went back to bed…” mga ballad ang tawag sa mga iyan. istorya ng tao, istorya ng mundo. pero hindi na ako makasulat tungkol sa aking mga damdamin sa ganitong porma: “nakita ko siya/pero gusto kong maging kaibigan lang/ hindi naman ko ninais/ hindi ako bading…”

para kasing nangangatwiran na lang ako, na parang inuulit ko na ;ang yung mga saloobing sinabi ko na dati pa, na tila propaganda na lang at wala nang bisang espiritwal. tapos hindi ko rin naman alam kung maiintindihan ako ng kahit ng mga taong nakakarinig. ano ang punto ng pagsasalaysay kung iba ang mga gamit na salita at kahulugan?

pero kakanta pa rin ako ng mga ballad. makikinig pa rin ako ng mga istorya.

Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: